:)

:)

Friday, July 3, 2015

STAGES OF GRIEF PAG NA FRIENDZONE KA







MAY TANONG AKO SAYO. Na Friendzone ka na ba?! Pwes kung hindi pa! nako teh napaka swerte mo sa part na yan! kelangan mong mag pa misa at mag pa pyesta dahil isa kang pinagpala. 

First of all what do you mean by "friendzone" nga ba? Ayon sa kumare kong si google : 
“Friend Zone” refers to an interpersonal relationship in which one member wishes to become romantically involved while the other would rather remain friends only. -wikipedia (juscolored nag ka almoranas ako sa sobrang pag ka deep) so sa mas madaling salita,  mahal mo sya pero FRIEND lang talaga turing niya sayo. (aww ansakit pakinggan no? pero mas masakit pag naramdaman mo! PROMISE) 

Alam niyo ba ung DABDA? actually hindi ko din alam, pero charot lang syempre.
DABDA Is an acronym that stands for:
D-Denial
A-Anger   
B-Bargaining
D-Depression
A-Acceptance 

Ang dabda was made by Elisabeth kubler-ross (ang husayhusay niya siguro no?) ito ay stages of grief or stages to cope with death. Pero hindi lang pag namatayan ka pwede Ma apply ang DABDA, iaaply din natin to pag na FRIENDZONE KA! let us discuss it one by one kung paano. 



DENIAL





Ito ung first stage ng DABDA(malamang).Ano bang meron sa stage na to?  From the word itself DENIAL. Denial ka sa lahat ng nanyayare, kumbaga in state of shock ka pa. 


For example kumakain kayo sa labas ni "friend" kilig na kilig ka pa kasi ililibre ka daw niya ng dinner! (Ito ung mga panyayare na may butterflies ka pa sa stomach, ung tipong sasabog ung puso mo sa saya ). Tapos biglang may dumating na magandang babae lumapit sa table niyo sabay pinakilala sayo ni friend "friend, girlfriend ko pala, si chuchay". 

Malamang sa alamang sobrang ma shshock ka sa big revelation di ba? yung tipong hindi mo alam kung bebeso ka ba kay chuchay o kakaladkarin mo siya palabas ng restaurant o tatakbo sa cr o mauupo ka nalang sa kinauupuan mo. For sure sobrang gulo ng utak mo sa part na to. Sinisigaw ng isip at puso mo na " HINDI! HINDI MAARI!! HINDI TO TOTOO! ISANG JOKE LANG TONG NANAYAYARE! ISA TONG NIGHTMARE!!!!!!!!!!!!!! "  Feeling mo din nasa WOW MALI ka lang o baka ginogood time ka lang ni friend. Sobrang denial ka sa bombang pinasabog ni friend. Umaasa ka na bukas magiging okay din ang lahat na matatapos din itong bangungot na ito. Iniisip mo lang na PANAGINIP lang ang lahat ng nanyare ngayong gabi. Magiging okay din kayo ni "friend" walang mag babago, UMAASA ka pa din na may chance pa kayo. HINDI MO MATANGAP SA ORAS NA TO NA FRIENDS NA LANG TALAGA KAYO!  At oo nga pala yung butterflies mo kanina sa stomach naging ipis na. 



ANGER




Or mas kilalang "bitterness stage

Ito ung stage kung saan andame mong tanong. Tulad ng Bakit siya pa ang minahal ko? Worth it ba siya sa lahat ng ginawa ko? Bakit hindi ko pa kasi inamin sa kanya na mahal ko siya? Bakit mas maganda ba si chuchay sa akin? Bakit ko pa kasi hinayaan yung sarili ko na ma inlove sa mokong na yun!!! Ano bang meron kay chuchay na wala ako? Bakit hindi niya ako mahal? Bakit si chuchay pa!!!! Bakit hindi na lang ako?  Bakit kaibigan niya lang ako?!?!?!?!???!?!?!?!?!??!?!?!??!?!?!?!  At mapapa kanta ka na lang ng nandito ako umiibig sayo kahit na nagdurugo ang pusooooooooooTapos sinusumpa mo ang araw na nakilala mo si friend at sinusumpa mo din kung bakit pinanganak pa sa mundong ito si chuchay! 

Dito sa stage na ito masasabe mong WALANG FOREVER!!!!!, super bitter ka sa lahat ng sweet na nakikita mo, supper bitter ka sa mga mag jowa na masaya sa piling ng isa't isa. Super biter ka kay chuchay at sa friend mo. Kasi kung dati kayo yung magkasama ngayon si chuchay na (sorry ka nalang!yan kasi minahal mo pa friend ka lang pala!! ) Kung dati ikaw ung kinukulit ni friend ngayon si chuchay na! Kung dati ikaw ung tumutulong kay friend sa assignment niya, ngayon si chuchay na!! PURO NALANG SI CHUCHAY! CHUCHAY! CHUCHAY! 

Dadating pa ang time na siyempre kakamustahin ka ni friend, at for sure tatarayan at susungitan mo lang si friend and out of no where bigla mong masasabi na doon ka nalang sa chuchay mo!.. 
Dito din sa stage na ito yung iinterogate mo si friend. Anong meron kay chuchay? Mabait ba yan? May pinag aralan ba yan? Mayaman ba yan? Baka mamatay tao yan ha! Baka niloloko ka lang niyan! O Baka naman pera lang habol niyan sayo?! (dame mong tanong! sana naging imbestigador ka na lang di ba?)
Dadating din ang time na magkikita at magkikita kayo ni chuchay. Kasi syempre hindi mo matanggihan si friend. Sa muli niyong pagkikita ni chuchay panigurado titingnan mo siya ulo hanggang paa! Pati kuko at Dandruff niya mapupuna mo din!  Lahat ng pwede mong ilait, nalait mo na sa isip mo! Lahat ng masama naisip mo na. Lahat ng sinasabi ni chuchay kinokontra mo! Kunware mas magaling ka sa kanya!  (kawawang chuchay) 



BARGAINING




Parang sa tyange makikipag tawaran ka. Tatawagin mo lahat ng santo, magaalay ng itlog kay Sta.clara, lumuhod sa simbahan ng baclaran at quiapo, lahat to gagawin mo para lang bumalik sayo si friend. Gabi gabi kang nag hohope na sana mag break na sila at bumalik na siya sayo. Ito ung stage kung saan gagawin mo ang LAHAT bumalik lang si friend sayo, na sana ikaw na ulit ang mapansin niya at hindi na ang chuchay na yan! Dito sa stage na to makikipag competition ka kay chuchay! Mag ttry kang magpa pansin kay friend, wala ng pride pride! Lunukin na lahat! Give it all na para kay friend! ito na ung "nagpapaka tanga" stage ka para kay friend. ito ay sa kadahilanang hindi mo kasi siya kaya mawala sayo eh. At mapapakanta ka nalang ng kunin mo na ang lahat sa akin,wag lang ang aking mahal. alam kong kaya mong paibigin siya sa akin maagawa mo siya. (tama na senti teh!) 

Dito sa stage na ito mo papakita kay friend ung totoong nararamdaman mo sa kanya. magiging extra caring ka sa kanya, yung mga hindi mo nagawa dati para kay friend, gagawin mo na. Dito din sa stage na ito kunwari icclose mo si chuchay (kasi nga keep your friends close and your enemies CLOSER) chichikahin mo si chuchay para matrack mo kung ano na bang lagay ng relationship nila (kung malapit na ba sila magbreak!hahaha) 

Dito pasok sa banga ang linya ni basha na: SANA AKO NA LANG, SANA AKO NA LANG ULIT. 


DEPRESSION






Ito ang PINAKAAAAA MASAKIT na stage sa lahat, kahit anong gawin mo, talagang nag mamahalan pala si chuchay at friend. Hindi umubra yung mga tactics mo sa bargaining stage kaya ikaw nganga. Ito din ang DEAD END stage. wala na talaga kayong pag asa ni friend. Dahil FRIEND Ka lang talaga niya! FRIEND lang talaga turing niya sayo PERIOD. 
Ito ung stage kung saan hindi ka maka kain, hindi ka makausap, wala kang gana lumabas, ayaw mong makipag socialize, ayaw mong maligo, hindi makapag concentrate sa ginagawa. Most of the time gusto mo lang mapag isa at ang gusto mo lang gawin ay magmugmok at UMIYAK. dito mo mapapatunayan na minsan unlimited pala ung luha, ung tipong may marining ka lang na kanta mapapaluha ka na agad, ma alala mo lang si friend iyak ka nanaman, may makita ka lang na bagay na nakakapag paalala kay friend iyak ka nanaman!!! Magang maga na ung mata mo pero hala sige iyak pa din! Ito ung stage na aalalahanin mo ung happy and good memories niyo ni friend. Lahat ng pictures niyo together titingnan mo ng paulit ulit. Pero in the end iiyakan mo lang. Sa stage na ito tropa mo si empi, jack, ginebra, hombre,granma, alfonso at jose. Bestfriend mo naman ung sumisipang pulang kabayo. Ang saklap ano, feeling mo ayaw mo ng mabuhay dahil wala na si friend sayo. Durog na durog ung puso mo kasi umasa ka na mamahalin ka din ni friend the way you love him. (Kaso sorry si chuchay talaga true love niya) Kumanta ka na lang ng paki sabi na lang na mahal ko siya di na baling may mahal siyang iba, paki sabi wag syang mag alala di ako umaasa  

It really depends on the person kung gaano sila masstuck sa stage na ito. yung iba kasi madali maka move on, yung iba naman aabutin ng taon (oo totoo! naka move on na ung trafic sa edsa ikaw hindi pa rin!kawawang bata.)  


ACCEPTANCE



Kung dumating ka sa stage na ito CONGRATULATIONNNSS! (BIGYAN NG JACKET YAN!) Atleast na alog na yung utak mo no! This is the stage where you accept na FRIENDS na lang talaga kayo ni friend. At TANGAP MO NA SA SARILI MO na kahit kailan hindi ka niya kayang mahalin tulad ng pagmamahal na meron ka towards him. And eventually tangap mo na sa sarili mo na may chuchay na si friend. TANGAP MO NA NEVER MAGIGING KAYO ni friend period exclamation point no erase! after all hindi naman nag bbreak ang friends di ba?! :) 





TRIVIA KUNO

Hindi porket na friendzone ka eh end of the world na. Kung friendship lang talaga offer ni friend then learn to accept it and treasure it. Atleast part ka pa rin ng buhay niya. Marami ka pa namang friends na iffriendzone ka din di ba? charot lang! Tandaan hindi lang si friend ang tao sa mundo. Ayon sa 2015 census meron 7.3 Billion tao sa mundo, At malay mo isa sa kanila ang true love mo. Ang gawin mo mag pa ganda ka! mag pag ka sexy ka pa lalo! Magpaka busy ka with your career. Alagaan mo naman sarili mo afterall may nagaalaga naman na kay friend. Wag puro si friend. Always be reminded kung ano ang lugar mo kay friend. Basta sa susunod be careful with your heart na lang para hindi mo na ulit pag daanan ung karumal dumal na DABDA na yan. Sabe nga one is enough two is too much three is katangahan na pag pumang apat ka pa ifflush na kita sa toilet! kbye!




p.s gusto kong magpasalamat sa kumare ko na si google para sa laahat ng pictures (credits to google.com for all the pictures) 



Nagmamahal,
ang inyong official ka kemerut
SHAN D.

























Thursday, July 2, 2015

PRIVATO HOTEL




We were bored and got nothing to do,so me and my friends decided to stay in privato for 3 days and 2 nights. medyo mainit kasi sa bahay ganon. kaya try lang namin mag pa soshal ng very slight. haha

but before we decide nag search search muna kami about privato at napag alamanan namin na Privato Hotel is an Italian-inspired business and lifestyle hotel in Pasig City.  The hotel boasts of 177 rooms designed in contemporary style. Room décor in predominantly black and white, with hints of vibrant colors and patterns, provides stylish ambience and it is also managed by enderun hospitality management.  It has 2 restaurants,4 function rooms, a swimming pool, a gym. meron din syang 4 types of rooms:
-executive king room
-executive twin room
-deluxe double room
-one bedroom suite 

TRIVIA kuno!! (kunyare ang talino ko!) privato is an italian word pala. which means private, peace and quiet. (wala lang, share ko lang, kung curious kayo,ako kasi nacurious kung ano ibig sabhin ng privato) 





so when we arrived eto ung sumalubong sa amin na lobby.






the lobby/waiting area
pwedeng umupo dyan. libre naman! haha



the check in process was fast, the front desk girl named angelique is nice and very accommodating. and their manager sasha is very nice talaga! she made our check in fast and easy! by the way you have to deposit 1000php per room (dont worry it's refundable upon check out naman basta wala kayong nasira o tinake out na towel o tasa! hahaha )


hallway




we booked a deluxe double room,and this is how our room looks



group selfie muna syempre! aminin ! hindi pwedeng mawala yun lalo na sa ganitong mga panyayare! hahaha 


may desk at chair  with telephone and lamp na sa side ung blower 

induction cooker with sink


the bathroom

city view

view from our room (isn't it lovely ?) 

view from our room part 2 (oh di ba kitang kita mo kung trafic ba o hinde!)





TRIVIA kuno the double deluxe room is perfect for families or for your barkada it can comfortably sleeps 4 people. very very comfortable the bed with matching duvet. it is spacious enough naman. sa room meron ka namang pang kabuhayan showcase .there's a mini ref, water boiler, safe, cabinet, split type aircon,television and blower, desk, lamp shade. (pero wag niyong iuuwe ha) oh well here's a tip haha there are some deluxe double rooms with induction cooker. if like niyo yung ganung room you can request for the rooms in the 18th floor. if you dont have dala na lutuan. just dial 0 sa phone then borrow kayo,libre naman! there's also a complimentary coffee tea or me? sa room (wait pag ME ung pinili niyo hindi na complimentary yun ha! ) and complimentary toiletries like bath soap, bath gel and hand soap, (pwede niyo naman to iuwe imperness! kunyare souvenir. aminin ginagawa niyo yun!!! ) hahaha 

but dont fret! if you are just traveling alone or if couple kayo or mas gusto niyo ng bigger area they have other rooms available

presenting privato's one bedroom suite

TRIVIA kuno muna tayo, this room is super big, it is ideal for BIG families and Barkada pag di kayo kasya sa king bed pwede naman kayong mag pa extra bed (but with extra super liit na charge) or pwede kayo magdala ng sleeping bag at tent (camping ang peg!) 

it has a dining area and living room 




the bedroom (it has 1 king size bed) and super luwag na space na pwede ka na tumambling at mag camping with bonfire



their super laking cr na parang nasa mall






kitchen area





presenting privato's executive twin room 

TRIVIA Kuno perfect naman to sa mag friends or officemates or backpackers or basta 2 lang kayo! super pak na to! complete din ang kabuhayan showcase dito, pero medyo maliit lang ung space 

it has 2 single super comfy beds







presenting privato's executive king room

TRIVIA KUNO Uli perfect na perfect to sa mag jowa or mag asawa or nag hhoneymoon






credits to privatohotel.com website (hindi ko kasi nakuhanan kasi walang available for viewing, ang sad)



then after mag settle and unpack we tour tour around, kinemerut namin ung buong hotel actually haha so we headed to the roof deck muna at chinika kung anong meron


first stop- the swimming pool area which is located sa roof deck or 23rd floor

trivia kuno haha may towels naman sa pool area na pwede iborrow and pool time is 6am-7pm, and medyo mababaw lang ung pool.like 4 feet, so very kid friendly siya. and between 11AM-2PM wala mashadong nagsswim, so kung feel niyo solohin ung pool this is the best time para pumunta at mag pictorial to the max! 















say hello friends! group selfie muna!!!! maganda ang background eh! 



naghahanap ako ng fish! baka sakaling may ma ulam pang dinner! 

sorry na, naumay na ba kayo? 


and second stop para sa mga mahilig mag gym , the gym is located beside the pool area


kunware nag eexercise ako, grabe naka loose ako ng 10 POUNDS!OMG! nakakaloka that!
habang nag ththreadmill kayo ito ung view niyo,ang bongga davuh??

then third stop my super favorite place sa hotel is yung VERONA rooftop lounge

if you like mag soul searching or ng peace and quiet or ng soshal na ambiance or ung tinatawag na "sky bar" goraboom kayo dito. very perfect tong place na ito. pwede din pala itong function room for small events or gatherings or parties or pwede din mag pa presscon, chos,haha






the bar

ang sarap chumill dito, kasi chill lang talaga.tas sight seeing sa mga building haha, this is also pala the smoking area of the hotel.
view from the top
mag hello kayo sa kumare ko na si madam k! :). yan naman ung view pag gabe, ang saya lang ng city lights 

pakilala ko pala sainyo ung isa pang kumare ko! si angel aquino! haha charot lang! sa totoo lang naglakas loob kasi siyang mag papicture sa akin, pinagbigyan ko na! bwhahahahhahahahahahahha






so gora tayo sa bandang 6th floor

piazza privato . this where they serve their breakfast buffet for ONLY 350PHP . they serve breakfast from 6AM-10AM. Then after that uwian na. JOKE LANG PO! they serve meals po hanggang 10PM. 


credits to privato hotel's facebook page  (hindi ko kasi nakuhanan ng picture . ang sad. ) 


they have a room service menu as well however very limited lang ang menu

TRIVIA: they also have the same menu in their restaurant and sa verona


But dont worry We decided to stay in privato since it's very near and accessible to all! there are a lot of restaurants and fast foods nearby !pag labas ng lobby to the left si KFC at shakey's to the right naman si chowking at baliwag lechon manok, yan ay pag medyo tipid mode ka,pero pag gusto mo talagang mag paka sushal to the maximum level kumembot ka ng konte at ma rereach mo na si capitol commons, there are several restaurants and bars na talaga namang yayamanin tulad ng florabel, sentro, buffalo wild wings,tipsy pig, black olive, burger and brewskies. tapos madami pa kainan sa loob ng estancia mall. thennn kung sobrang busog na kayo kaka lafang pwede kayo magstroll stroll sa park or sa loob ng estancia mall.
onga pala very very near din ang privato sa east drive street (whic is very famous kasi andaming kainan) dito sa street na ito located ang silantro, cafe juanita, ramen cool, cab cafe, charlie's grind and grill, mad mark's ,  rub rib's, uncle moe's shawarma at marame pang iba . malapit din sa privato ung very famous na kanto frestyle (open sya 24/7).
Pero if you are really tamad to go out at sarap na sarap ka sa paghilata, grab mo lang ang telephone at mag pa deliver! haha


TRIVIA kuno. 


*one thing i liked about this hotel is their WIFI which is super bilis
*what i also like is that FREE yung phone calls, most of the hotels kasi na napuntahan ko may charge ung outside calls
*BUT not all hotels are perfect di ba? syempre may reklamo din ako ng slight! haha, yes to free parking! however it's a bit mahirap mag park especially if weekends! that is because they only have 60 parking slots for their guests. so if no parking available, for the mean time sa chowking ka muna mag papark. 
*there are SOME rooms na mahina ung airconditioner. but some lang naman. you can again dial 0 for assistance
*and i commend their hotel manager Sasha Zakharka  and the lady in the front desk named Angelique And Mara!! and kudos to all the staff for being so courteous and polite :) 


even though it's not a 5 star hotel, it isn't bad at all! cheap rates, fast service ,pleasant and friendly staff,  quiet environment, nice ambiance, comforatable beds, accessible.  Indeed me and my friends had a blast and a very wonderful stay in here and we will definitely go back





privato hotel is located in 706 Shaw boulevard, Ortigas, Pasig City Philippines 


CREDITS TO PRIVATOHOTEL.COM WEBSITE 



phone number: (632) 7175888
email : reservations@privatohotel.com
facebook: www.facebook.com/privatohotel
website: www.privatohotel.com



TRIVIA KUNO for the last time, for THE MONTH OF JULY AKALAIN NIYO MAY PROMO SILA! tsenen

                                Example: Born in 1974? Pay only PhP 1,974 nett per night!

                                              (credits to privato for the picture and the promo) 


WAG NG MAG PATUMPIK TUMPIK PA MAG UNWIND, CHILL WITH FRIENDS AND FAMILY,  MAG STAY CATION NA SA PRIVATO! haha




Nagmamahal, 
ang inyong official ka kemeru 
SHAN D.